Pangkalahatang Layunin:
Ilinaw ang pulitikal na rebolusyon – ang pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika – bilang tanging pamamaraan para panlipunang rebolusyon – ano ang mga rekisitos nito at paano ito tuloy-tuloy na isusulong ng manggagawang Pilipino mula sa demokratikong yugto tungo sa sosyalistang rebolusyon.
Mga partikular na layunin:
1. Basagin ang masamang konotasyon ng salitang “rebolusyon”.
2. Makita ang mga panlipunang rebolusyon sa kasaysayan.
3. Mauunawaan ang papel ng estado ng mga naghaharing uri at ang pagpapabagsak sa mga ito sa paraan ng pulitikal na rebolusyon para maganap ang panlipunang rebolusyon.
4. Maunawaan ang pangangailangang itatag ang gobyerno ng manggagawa at ang mga katangian nito.
5. Maintindihan ang dalawang tungkulin sa pagsusulong ng sosyalistang rebolusyon sa bansa – ang pamumuno ng manggagawa sa demokratikong pakikibaka at ang rebolusyon para itatag ang sosyalismo.
Mayor na Punto | Metodo sa pagtuturo | Mga pangangailangan |
Ang salitang rebolusyon ay kaagad na may negatibong konotasyon. Ngunit ang ibig sabihin nito, saan mang konteksto gamitin, ay “ganap na pagbabago”. | Magsimula sa tanong sa estudyante. “Ano ang nasa isip niyo pag narinig niyo ang salitang rebolusyon?” | Slide 1 and 2 (ang kapitalistang Steve Jobs na ginamit ang terminong rebolusyon). |
Sa paggamit ng terminong rebolusyon sa syensang panlipunan (social sciences), may dalawa itong partikular na pinatutungkulan: ang panlipunang rebolusyon at pulitikal na rebolusyon | Lektura. | Slide. Depinisyon at pagkakaiba ng social revolution at political revolution |
Kapag binaybay ang kasaysayan, makikita na naganap ang mga panlipunang rebolusyon. Nagbago ang mga ugnayan ng mga tao sa lipunan. | Lektura. Ipaliwanag ang mga katangiang ng iba’t ibang mga lipunang may-uri. Tanong sa dagdag na diskusyon: “Ano ang mas masahol sa usapin ng seguridad sa pamumuhay?” Sagot: Mas walang kasiguruhan sa kapitalismo. | Slide. Social revolution. Lipunang alipin, lipunang pyudal, lipunang kapital. |
Para magbago ang lipunan, inaagaw ng mga inaaping uri ang kapangyarihang pampulitika. Ito ang pampulitikang rebolusyon. | Lektura. Ipakita ang iba’t ibang tampok ng pag-aalsa laban sa iba’t ibang lipunang may-uri. Dagdag na diskusyon: Ang tunggalian ng uri ang motor ng kasaysayan.
Ipaliwanag din ang katangian ng estado bilang marahas na instrumento sa pagpapanatili ng isang lipunan. | Slide. Political revolution |
Ang burges na estado ay naiiba sa ibang estado ng mga nakaraang naghaharing uri dahil sa pag-iral diumano ng “demokrasya”. Ito ay ilusyon lamang. | Lektura. Mga tanong para sa diskusyon. Nasusunod ba ang mga manggagawa dahil sila ang mayorya sa pabrika? Ang pagboto ba ay “majority rules”? | Slide. Umiiral nga ba ang demokrasya sa ilalim ng burges na estado. |
Para makamit ang sosyalismo, kailangan ng manggagawa ng kapangyarihang pampulitika. Maitatatag ito sa pamamagitan ng pampulitikang rebolusyon. | Lektura. Guide question: Ano ang mga tungkulin ng gobyerno ng manggagawa?
Transisyon: Paano nagaganap ang pampulitikang rebolusyon ng manggagawa? | Slide. Layunin ng rebolusyon ng manggagawa |
Ang pagsiklab ng rebolusyon ay nagaganap sa dalawang rekisito: obhetibong kondisyon at suhetibong preparasyon. | Lektura. Tanong: Ang rebolusyon ba ay simpleng sumisiklab sa kagustuhan ng mga rebolusyonaryo? Hindi. Kailangan ng obhetibong kondisyon. | Slide. Obhetibong kondisyon. Ang pagrurok ng tunggalian ng uri na nagaganap ng independyente sa suhetibong kagustuhan ng tao. |
Hindi sapat ang obhetibong kondisyon – ang pagsambulat ng krisis pampulitika – para magtagumpay ang sosyalismo. Kailangan ng suhetibong preparasyon ng uri para sa kanyang makauring kamalayan, pagkakaorganisa at pagkakaisa. | Lektura. Tanong: Nasa anong antas ang karaniwang pagkakaorganisa ng manggagawa? Sagot: Bilang empleyado at bilang sektor, hindi pa bilang uri. | Slide. Suhetibong preparasyon |
Kapag hindi pa sapat ang pagkamulat at pagkakaorganisa ng manggagawa “bilang uri”, ang karibal na paksyon ng naghaharing uri ang nakikinabang sa isang krisis pampulitika. | Lektura. Baybayin ang mga nakaraang pag-aalsang nauwi sa pananatili ng kapitalismo dahil ang nakakuha ng tagumpay ay ang mga elitista’t kapitalista. Transisyon: Ano ang kailangan para sa suhetibong preparasyon ng manggagawang Pilipino? Sagot: Ang demokratikong pakikibaka. | Slide. Karibal na paksyon ng naghaharing uri. |
Kailangang pamunuan ng manggagawa ang demokratikong pakikibaka ng mamamayan. | Lektura. Mainam na balikan ang paksa sa imperyalismo na naglilinaw sa pananakop ng mga dayuhang monopolyo sa ekonomya ng bansa. | Slide. Laban ng Bayan, Landas ng Uri. |
Kailangang isulong ng manggagawa ang mga kagyat na pakikibaka at ang ultimong layuning itayo ang gobyerno ng manggagawa para sa sosyalismo. | Lektura. Guide question: Ano ang totoong tagumpay sa mga pakikibaka para reporma sa mga kagyat na isyung kaharap ng manggagawa’t mamamayan? Sagot: Hindi pa ang makukuhang reporma na nababawi rin sa ilalim ng kapitalismo kundi ang pakikibaka. Sa pakikibaka, natututo ang mas malawak na bilang ng manggagawa sa pangangailangang magrebolusyon at ibagsak ang kapitalismo. | Slide. Pakikibaka para sa kagyat at ultimong kahilingan. |
Sa pagwawakas ng GMC, magpasalamat sa pagdalo ng mga estudyante. Iwan sa kanila ang hamon na magmulat, mag-organisa, at magpakilos ng uring manggagawa para pamunuan ang laban ng bayan. |
Mga Gagamiting Slides (GMC Modyul 6)
Mga pinagsanggunian at obligadong mga babasahin ng instruktor:
VI Lenin, State and Revolution
BMP Workers School 1996, Landas ng Uri (huling kabanata, “landas ng uri, laban ng bayan”), 1996
Comments
Post a Comment