Ito ang bersyong 2018 ng oryentasyon ng BMP. Nilalaman nito ang maiksing paliwanag sa mga layunin, mga prinsipyo, kasaysayan, at istruktura ng ating organisasyon.
Ang kursong ito ay inilabas para sa istandardisadong oryentasyon para sa lahat ng iniimbitahang maging kasapi ng Bukluran.
Kung kinakailangan ng pagpapalalim ukol dito, hinihikayat ang pagbabasa sa Saligang Batas ng BMP, na inamyendahan at inaprubahan ng huling BMP Congress sa Baguio City noong 2018.
Sa ating pagtantya, maaring maglaan ng kalahating araw para sa naturang kurso, kung saan ang mas mahabang bahagi, ay ang pagpaplano ng mga bagong kasapi kung paano sama-sama o kolektibong makakagampan sa ating tatlong mayor na tungkulin na magmulat, magpakilos, at mag-organisa ng manggagawa.
Sapagkat ang pag-intindi sa ating mga pananaw at paninindigan ay hindi masasapul sa isang minsanang pag-aaral kundi sa tuloy-tuloy na paggampan sa mga gawaing pampulitika (na may tuwi-tuwinang pagtatasa at paglalagom para makatas ang mga aral).
Balangkas (at gagamiting slides):
Comments
Post a Comment