Pangkalahatang Layunin:
Ipaunawa ang sosyalistang alternatiba bilang ganap na pagbabagong panlipunan at bilang istorikal na misyon ng uring manggagawa.
Mga partikular na layunin:
1. Ipaunawa ang sosyalismo bilang lipunan ng manggagawa na magwawakas sa pribadong pag-aari, na batayan ng pagsasamantala ng tao sa tao at kahirapan.
2. Ipakita ang pangkalahatang mga katangian ng sosyalistang alternatiba, na hindi modelo ng itatayong lipunan kundi gabay sa lubusang transpormasyon ng lipunan matapos ibagsak ang kapitalistang estado, batay sa kritik sa umiiral na sistemang panlipunan.
3. Ituro na ang pagtatayo ng lipunang walang pribadong pag-aari at walang uri ay istorikal na misyon ng manggagawa. Ang paglaya ng sangkatauhan mula sa pagsasamantala ng tao sa tao at sa kapitalismo ay nakasalalay sa pagkamulat at pagkakaorganisa ng pandaigdigang kilusan ng uring manggagawa.
4. Ipatanggap na ang pagtatayo ng gobyerno ng manggagawa bilang rekisito para ibagsak ang kapitalismo at simulan ang sosyalistang transpormasyon ng lipunan.
Mayor na Punto | Metodo sa pagtuturo | Mga pangangailangan |
1. Ang sosyalismo ay lipunan ng manggagawa. Lulutasin nito ang saligang balakid sa pag-unlad ng buong sangkatauhan – ang pribadong pag-aari sa mga kagamitan sa produksyon
| Lektura. Ipakita na posible ang sosyalistang lipunan dahil umiiral na ang isang sangkap nito sa kapitalismo – ang sosyalisadong produksyon. Guide question: posible bang mabuhay ang lipunan na lahat ang manggagawa at lahat ay nagmamay-ari? | Slide. Sosyalisadong produksyon at sosyalisadong pag-aari. |
2. Ang mga pangkalahatang katangian ng sosyalismo ay ang sumusunod:
a) diwa ng pagkakapantay-pantay, b) produksyon para sa pangangailangan hindi para sa tubo, k) pawiin ang pagkakahati ng tao sa mayaman at mahirap, d) pagsisilbi sa buong lipunan ng industriya at agrikultura, e) paggamit ng makabagong teknolohiya para sa tao, g) pawiin ang kahirapan at kamangmangan, h) pagtatapos ng krisis na sumisira sa ekonomya, i) modernong kabihasnan at kaayusan, l) direktang paghahari ng mamamayan. | Lektura. Ipakita ang bawat katangian. Ihambing sa kapitalismo. Sa pagsusuma sa sub-paksa, ibuod na ang sosyalismo sa simple ay ang abolisyon ng mga uri dahil sa abolisyon ng pribadong pag-aari.
| Slide. Ipakita ang bawat slide. At magdagdag ng halimbawa. Mainam kung ilalapat sa praktikal na karanasan ng mga mag-aaral. |
3. Ang abolisyon ng pribadong pag-aari ay istorikal na misyon ng uring manggagawa. Ang interes ng sangkatauhan para sa ganap na rebolusyong panlipunan ay kinakatawan ng interes ng uring manggagawa.
| Lektura. Ilatag kung bakit ang pagpawi sa pribadong pag-aari ang obhetibong interes ng manggagawa “bilang uri”. Ikumpara sa ibang uring inaapi rin ng lipunang kapital (petiburges, pesante). | Slide. Hamon ng kasaysayan sa uring manggagawa. Guide question: Bakit natin nasabing ang manggagawa ay hindi pa ganap na umiiral sa kasalukuyan? Sagot: Dahil hindi pa ganap na mulat at organisado bilang uri. |
Transisyon tungo sa susunod na paksa:
“Ano ang paraan para makuha ng manggagawa ang kapangyarihang baguhin ng lipunan tungo sa kanyang interes bilang uri?”
Mga gagamiting slide (GMC modyul 5)
Mga pinagsanggunian at obligadong mga babasahin ng instruktor:
Ka Popoy Lagman, Huling kabanata ng Aralin sa Kahirapan: Abolisyon ng Pagsasamantala, 1999
Lunas sa kahirapan (para sa mga “prinsipyo” ng sosyalismo), Labor Education Collective 1991
Landas ng Uri (Kabanata IV: Hamon ng Kasaysayan, Misyon ng Uri), BMP Workers School 1996
Frederich Engels, Socialism: Utopian and Scientific
Comments
Post a Comment