Pangkalahatang Layunin:
Ipaunawa ang sahurang paggawa bilang kasalukuyang anyo ng pagpiga ng sarplas na paggawa sa mga masang walang pag-aari. Ang paglago sa yaman ng iilan sa ilalim ng kapitalismo ay hindi pandaraya kundi sistematikong pagsasamantala mula sa di-bayad na paggawa, na pinagmumulan ng tubo, interes, renta at buwis. Ang manggagawa ay sahurang alipin.
Mga partikular na layunin:
1. Ilinaw na ang ugnayan ng mga tao sa pabrika ay sumasalamin sa relasyong panlipunan. Ang lipunan ay asosasyon ng tao, na naoobligang makipag-ugnayan sa isa’t isa para mabuhay. Ang pangalan ng kasalukuyang lipunan ay kapitalismo.
2. Ilinaw ang mga katotohanan sa likod ng sahod (See PAKUM preface): a) ang sahod ay presyo (ang manggagawa ay kalakal), b) ang sahod ay kapital (ito ang bahagi ng puhunan na lumalago), k) ang sahod ay pinagmumulan ng tubo (ang manggagawa ang tanging kalakal na lumilikha ng bagong halaga), d) ang sahod ay galing sa manggagawa (ang manggagawa ang nagpapasweldo sa kanilang sarili).
3. Ilinaw na ang manggagawa sa industriya, agrikultura at mga serbisyong karugtong sa paglikha ng bagong produkto ay pinagsasamantalahan sa anyo ng di-bayad na paggawa. Sa manggagawa sa sektor ng serbisyo, sila ay nagpagsasamantalahan dahil ibinebenta nila ang kanilang lakas-paggawa ng mas mababa sa tamang halaga nito (living wage, na ayon sa batas ng halaga ng mga kalakal).
4. Ipakita na ang kapitalismo ay sistemang panlipunan na nakabatay sa produksyon ng mga kalakal, kung saan, mas kinukunsidera ang halaga-sa-palitan (exchange value) kaysa sa halaga-sa-gamit (use-value). Sinisira nito ang kalikasan para sa tubo ng iilan.
5. Ituro na, sa kapitalismo, ang kababaihan ay pinagsasamantalahan dahil karaniwang mas mababa ang kanilang sweldo, may di-pantay na pagtrato at sa pagbibigay ng oportunidad sa kanila, ginagawa silang mga bagay para magbenta ng produkto sa ng advertising, at higit sa lahat, ang gawaing bahay ay di-bayad na paggawa at nananatiling nasa household sa kabila ng papel nito panlipunang produksyon at reproduksyon.
Mga Saligang Nilalaman:
Mayor na Punto | Metodo sa pagtuturo | Mga pangangailangan |
1. Ang lipunan ay asosasyon ng mga tao, nag-uugnayan para mabuhay. Sa ngayon, nahahati ang tao sa dalawang paraan ng ikabubuhay (tubo at sahod). Ang pangalan ng lipunan ay kapitalismo. | Lektura. Guide question: May iba pa bang paraan ng pamumuhay ang isang populasyong walang pag-aari kundi ang pagiging sahurang manggagawa? | Slide: Anong klase ng lipunan mayroon tayo |
2. Ang lipunan ay tulad ng pabrika. | Lektura. Itanong sa estudyante: Ano ang nakikita niyong reklamo o anomalya sa ugnayan ng kapital at paggawa? Sagot: Sahod mismo ang problema, hindi pa ang kababaan nito. Transisyon: May nakatagong katotohanan sa likod ng sweldo. | Slide: Nasaan ang anomalya sa ugnayan ng kapital at paggawa? |
3. Unang katotohanan: Sahod ay presyo ng ispesyal na kalakal na si manggagawa. Gaya ng karne sa palengke ngunit binebenta ng por ora hindi por kilo. Sa sahod, ang nagtatakda ng presyo ay ang buyer. Sa ibang kalakal, ang seller. | Lektura. Guide questions: Ano ang interes ng kapitalista bilang buyer ng lakas-paggawa? Sino ang nagtatakda ng presyo sa palengke? Sino ang nagtatakda ng sahod? | Slide: Ang sahod ay presyo. |
4.Ikalawang katotohanan. Ang sahod ay kapital. Ang kapital, habang ginagastos ay lumalago. Sa kamay ng manggagawa, ang sahod ay nauubos. Ngunit habang gumagastos sa pasahod ang kapital, siya ay tumutubo. | Lektura. Ang sahod ang pinakaimportanteng gastusin ng kapital. Guide question: Ano ang mangyayari sa milyon-milyong halaga ng materyales at makina kung hindi magtatrabaho ang manggagawa? | Slide: Sahod ay kapital |
5. Ikatlong katotohanan. Ang sahod ang pinagmumulan ng tubo. Ang lakas-paggawa ng manggagawa ang tanging kalakal na lumilikha ng bagong halaga. Ang sahod ay ang bayad na porsyon ng bagong halaga. Ang tubo, interes, renta at buwis ay mula sa labis na halagang nilikha ng manggagawa ngunit hindi binayaran. | Lektura. Guide question: Saan napupunta ang di-bayad na paggawa? | Slide: Sahod ang pinagmumulan ng tubo |
6. Ikaapat na katotohanan. Ang sahod ay galing sa manggagawa. | Lektura. Guide question: Ano ang nauna? Sahod o trabaho? Sino ang dapat na may utang-na-loob: ang kapitalista o ang manggagawa? | Slide: Sahod ay galing sa manggagawa |
7. Ang kapitalismo ay produksyon ng mga kalakal, produksyon para sa halaga-sa-palitan. Ito ay ugnayang panlipunan, hindi lamang sa isang pabrika o establisyemento. | Lektura. Guide question: Ano ang epekto ng kapitalismo sa kalikasan? | Slide: Kapitalismo at kalikasan |
8. Hindi lamang manggagawa ang pinagsasamantalahan ng kapitalismo. Ito ay nakakasira sa kalikasan at nagpapatindi sa pagsasamantala at pang-aapi sa kababaihan. | Lektura. Guide question: | Slide: Kapitalismo at kababaihan |
TRANSISYON (tungo sa susunod na modyul):
Ang sistemang kapital ay hindi lamang nasa isang bansa. Gaya ng naunang mga lipunang may-uri, ito ay sumaklaw sa buong daigdig. Ang kapitalismo ay nasa yugto na ng imperyalismo.
MGA GAGAMITING SLIDES (GMC Modyul 3)
Mga pinagsanggunian at obligadong mga babasahin para sa instruktor:
Ka Popoy Lagman, Puhunan at Paggawa (PAKUM), 1999
Ka Popoy Lagman, Kabanata VI ng Aralin sa Kahirapan (Mekanismo ng Paggawa), 1999
Karl Marx, Wage Labor and Capital
Karl Marx, Value, Price, Profit
Karl Marx, Capital (for advanced reading)
Comments
Post a Comment