Skip to main content

GMC Modyul 1: INTRODUKSYON

Pangkalahatang layunin ng GMC:

Ang GMC ay naglalaman ng mga susing konsepto ukol sa ating pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan ng manggagawa at masang Pilipino, sa loob ng bansa at sa buong daigdig.

Layon ng kurso na ipakilala ang batayang mga pundasyon ng ating sosyalistang paninindigan:

(a) Ang pagsusuri sa ugat ng kahirapan – ang pagsasamantala ng tao sa tao batay sa pribadong pag-aari sa mga instrumento sa produksyon,

(b) Ang kapitalistang pagsasamantala – ang pagkamal ng labis na halaga sa anyo ng tubo, renta, interes at makina mula sa di-bayad na paggawa ng manggagawa, at

(k) ang imperyalistang pandarambong sa daigdig – ang paghahari ng monopolyo kapital bilang saligang dahilan ng kahirapan ng sangkatauhan sa modernong panahon.

(d) ang sosyalistang alternatiba – ang lipunan ng manggagawa. Ang pag-iral ng sosyalisadong produksyon sa ilalim ng kapitalismo ang materyal na kondisyon para sa sosyalisadong pag-aari (pagpawi sa pribadong pag-aari) para sa ganap na pag-unlad ng lahat ng myembro ng lipunan. Ang gobyerno ng manggagawa bilang rekisito para isulong ito.

(e) ang pangangailangan ng rebolusyon para itatag ang gobyerno ng manggagawa.  Ito ang saligang paraan para baguhin ang lipunan, na nagaganap sa pagsasalubong ng obhetibong kondisyon (krisis panlipunan) at suhetibong preparasyon (pagkamulat at pagkaorganisa ng manggagawa bilang uri). Sa lipunang Pilipino, ang landas ng rebolusyon ay isinusulong sa dalawang tungkulin: ng (a) pamumuno ng manggagawa sa laban ng bayan tungo sa sosyalistang rebolusyon at (b) ang pagmumulat at pagpapakilos sa mga kagyat na usapin habang isinasabay ang pagmumulat sa ultimo at istorikong misyon ng uring manggagawa.

Kunin sa unang bahagi ang interes ng mag-aaral upang simulang mabuksan ang kanilang kritikal na pag-iisip at itakwil ang mapanlasong mga ideya sa umiiral na bulok na kaayusan.

Sa simple, nahahati ang GMC sa dalawang bahagi:

PROBLEMA (kahirapan/pribadong pag-aari, sahurang pang-aalipin, imperyalismo) at,

SOLUSYON (sosyalismo, rebolusyon).

Ipakita ang daloy na ito sa mga mag-aaral. Hindi upang magpalalim sa bawat paksa kundi upang mapahapyawan kung ano ang pangkalahatang daloy ng kurso.

Mahalagang madiinan ang pangangailangang tapusin ang limang paksa, na may lohikal na pagkadugtong sa bawat isa.

Likhain din ang klima para sa malayang pagsasalita at pag-aambag ng lahat sa diskusyon. Magagawa ito sa simula pa lamang ng “pagpapakilala”. Gawing magaan (ngunit hindi mababaw) ang pakikitungo sa mga kalahok sa pag-aaral. Upang sila ay mahikayat na magsalita at hindi lamang makinig sa atin.

Sa una pa lamang ay ipahiwatig na ang lahat ay may kalayaang magtanong kung may mga paksang hindi malinaw.

Sa pangkalahatan (ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon), iwasang direktang kontrahin ang mga estudyante. Intindihin kung saan sila nagmumula. Umayon kung mayroon silang nasasabing tamang ideya o obserbasyon. Kung mali ang kanilang kongklusyon mula sa mga tamang ideya o batayan, ilinaw ang kanilang kamalian mula sa karanasan mismo ng nagtatanong at sa mga kapwa mag-aaral.

Kung may mga tanong na hindi magagawang sagutin ng instruktor o hindi pa napapanahon batay sa daloy ng mga paksa, maari itong “i-park” lamang. Para masagot sa iba pang mga pagkakataon. #

Mga gagamiting slides (GMC Modyul 1)






Comments

Popular posts from this blog

Ang General Mass Course (GMC)

Ang General Mass Course (GMC) ay ang batayang pag-aaral para sa lahat ng kasapi ng Bukluran. Layon nitong palalamin ang mga prinsipyo't paninindigan ng BMP. Binubuo ito ng limang modyul, at may pasimulang modyul para sa pagtatakda ng layunin ng kurso at sa pangkalahatang mga pananaw ukol sa pag-aaral at sa proseso ng pagkatuto. Modyul 1: Introduksyon sa GMC at sa Pag-aaral Modyul 2: PAGSASAMANTALA: Ugat ng Kahirapan Modyul 3: KAPITALISMO: Pagsasamantala sa Manggagawa Modyul 4: IMPERYALISMO: Pandaigdigang Kapitalistang Pagsasamantala Modyul 5: SOSYALISMO: Abolisyon ng Pagsasamantala Modyul 6: REBOLUSYON tungong SOSYALISMO

LANDAS NG URI (LNU) - 2022 version

 Ang Landas ng Uri o LNU ay basic course ng BMP noong 1996.  Ibinabalik po natin ito bilang panimulang kurso bago mag GMC (General Mass Course), partikular para sa mga sahurang manggagawa at mga kasaping unyon ng ating mga pederasyon, at sa mga unyonista, sa pangkalahatan. Updated na ang mga datos, partikular sa kalagayan ng manggagawa. Mayroon din pagsasakongkreto sa tungkuling paunlarin ang kilusang paggawa bilang taliba o lider ng bayan sa ilalim ng bagong rehimen ni Marcos Junior.  Nasa ibaba po ang "slides" para sa talakayan ng LNU. Batay sa ating karanasan, ito ay maaring ibigay sa maksimum na limang (5) oras, na mas maiksi kumpara sa ating GMC, na nangangailangan ng dalawang araw na sesyon.

GMC Modyul 3: KAPITALISMO - Pagsasamantala sa Manggagawa

Pangkalahatang Layunin:   Ipaunawa ang sahurang paggawa bilang kasalukuyang anyo ng pagpiga ng sarplas na paggawa sa mga masang walang pag-aari. Ang paglago sa yaman ng iilan sa ilalim ng kapitalismo ay hindi pandaraya kundi sistematikong pagsasamantala mula sa di-bayad na paggawa, na pinagmumulan ng tubo, interes, renta at buwis. Ang manggagawa ay sahurang alipin. Mga partikular na layunin: 1.  Ilinaw na ang ugnayan ng mga tao sa pabrika ay sumasalamin sa relasyong panlipunan. Ang lipunan ay asosasyon ng tao, na naoobligang makipag-ugnayan sa isa’t isa para mabuhay. Ang pangalan ng kasalukuyang lipunan ay kapitalismo. 2.  Ilinaw ang mga katotohanan sa likod ng sahod (See PAKUM preface) : a) ang sahod ay presyo (ang manggagawa ay kalakal), b) ang sahod ay kapital (ito ang bahagi ng puhunan na lumalago), k) ang sahod ay pinagmumulan ng tubo (ang manggagawa ang tanging kalakal na lumilikha ng bagong halaga), d) ang sahod ay galing sa manggagawa (ang manggagawa ang nagpapasweldo sa kanila