Pangkalahatang Layunin:
Ilinaw na ang kapitalismo ay nasa mataas na yugto nito – ang imperyalismo. Sumasaklaw na ito sa buong mundo at angdudulot ng kaapihan at kahirapan, hindi lamang ng manggagawa ng daigdig kundi ng sangkatauhan, laluna sa mga bansang may maliit na ekonomya.
Mga partikular na layunin:
1. Ipakita ang dalawang motibong pwersa sa paglago ng kapital na nagdadala rito sa mga yugto ng prosperidad at krisis: ang akumulasyon at kompetisyon. Ang akumulasyon – ang paghahabol ng mas mataas na tantos ng tubo - ay nalulubos sa sirkulasyon ng pera at kalakal. Ang kompetisyon ang gumagatong sa akumulasyon
2. Ipaliwanag ang kakaibang krisis ng kapitalismo – hindi mula sa kasalatan o kakulangan ng nalikha at kapasidad lumikha – kundi sobrang produksyon. Ibig sabihin, sobrang kapital at sobrang kalakal.
3. Ipakita ang yugto ng monopolyo kapitalismo – ang imperyalismo, at ilinaw ang limang katangian nito (monopolyo sa produksyon, oligarkiya sa pinansya, pagluluwas ng kapital, dibisyon ng daigdig, at digmaan). See Lenin’s Imperialism.
4. Ilinaw ang neoliberal na globalisasyon bilang bagong paraan para lutasin ang krisis ng imperyalismo, sa pamamagitan ng mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at pleksibilisasyon sa paggawa.
5. Ipaliwanag na ang imperyalismo ay “bisperas ng sosyalistang rebolusyon” sa daigdig dahil pinapatindi nito ang krisis na dulot ng sosyalisadong produksyon at pribadong pag-aari.
6. Ipakita ang penomenon ng repormismo sa mauunlad na bansa dahil sa aristokrasya at burukrasya sa paggawa, na nakabase sa mga manggagawa sa imperyalistang bansa na mas maunlad ang buhay dahil sa “super-tubo” mula sa dominasyon ng kanilang ekonomya sa daigdig, laluna sa maliliit na ekonomya ng atrasadong mga bansa.
Mga Saligang Nilalaman:
Mayor na Punto | Metodo sa pagtuturo | Mga pangangailangan |
May dalawang motibong pwersa na nagpapaandar sa kapitalismo – ang akumulasyon at kompetisyon.
| Lektura. Mula sa naunang paksa na tiningnan ang sahurang paggawa sa isang pabrika. Tanawin ng buo ang kapitalistang sistema. | Slide. Akumulasyon at kompetisyon |
Ang dalawang motibong pwersang ito ang nagdudulot ng krisis ng sobrang produksyon
| Lektura. Dahil ito sa (a) sobrang kapasidad ng makina kumpara sa demand, (b) anarkismo sa produksyon
| Slide. Krisis ng sobrang produksyon |
Limang katangian ng imperyalismo ((monopolyo sa produksyon, oligarkiya sa pinansya, pagluluwas ng kapital, dibisyon ng daigdig, at digmaan).
| Lektura. Ipaliwanag ang bawat isang katangian. Gumamit ng dagdag na halimbawa batay sa partikular na karanasan ng mga mag-aaral. | Slide. Bawat isang katangian ng imperyalismo. |
Ang neoliberal na globalisasyon ay bagong paraan para lutasin ang krisis ng imperyalismo, sa pamamagitan ng mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at pleksibilisasyon sa paggawa. | Lektura. Ipaliwanag ang apat na haliging paraan ng neoliberalismo. | Slide. Haliging patakaran ng globalisasyon. |
Ang imperyalismo ay “bisperas ng sosyalistang rebolusyon” sa daigdig dahil pinapatindi nito ang krisis na dulot ng sosyalisadong produksyon at pribadong pag-aari. | Lektura. Guide point: “Ang agwat ng mayaman at mahirap ay langit-lupa dahil sa globalisasyon”. | Slide. Konsentrasyon ng yaman sa ilalim ng imperyalistang globalisasyon. |
Dahil sa imperyalismo, sumibol ang repormismo sa mauunlad na bansa dahil sa aristokrasya at burukrasya sa paggawa. Nakabase ito sa “super-tubo” mula sa dominasyon ng kanilang ekonomya sa daigdig, laluna sa maliliit na ekonomya ng atrasadong mga bansa. | Lektura. Guide question: Bakit hindi nag-aaklas ang mamamayan ng daigdig? Ilinaw na ang mga ganansya/benepisyo na natatamasa sa malalaking bansa ay binabawi na sa panahon ng globalisasyon. | Slide. Labor aristocracy at labor bureaucracy (reformism). |
TRANSISYON (tungo sa susunod na modyul):
Ang lipunang kapitalismo – na nasa yugto na ng imperyalismo – ay lipunan ng kapital. Hindi ito ang lipunan ng manggagawa. Ano ang alternatibang lipunan ng manggagawa?
Mga Gagamiting Slides (GMC Modyul 4)
Mga pinagsanggunian at obligadong mga babasahin ng instruktor:
1. VI Lenin, Imperialism – the highest state of capitalism.
2. Ka Popoy Lagman, Huling tatlong subseksyon ng Kabanata VI ng Aralin sa kahirapan (Siglo ng Monopolyo Kapitalismo, Imperyalismo ang “Nakaguhit na Tadhana” ng Kapitalismo, Marahas at Mabangis na Kalikasan ng Imperyalismo), 1999
3. Ka Popoy Lagman, Kabanata VII ng Aralin sa kahirapan (Globalisasyon: Ang Bagong Daan ng Progreso”), 1999
4. Labor Education Collective, Lunas sa Kahirapan, 1991
5. Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Ang Aming Paninindigan sa APEC at Globalisasyon (edisyong 2015)
Comments
Post a Comment