Ang Workers School ay isa sa matagal nang proyekto ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP). Sinimulan ito noong 1996, nang mahalal bilang pangulo ng Bukluran si Ka Popoy Lagman.
Sa nagdaang mga panahon ay inilagay ang naturang proyekto sa mismong Saligang Batas ng BMP:
ARTIKULO XIII -- PAARALANG MANGGAGAWA
Ang Paaralang Manggagawa ang magsisilbing pandayan ng sosyalistang kamulatan ng mga manggagawa at anakpawis at magsisilbing paaralang paghahalawan ng mga lider at kasapi ng kasanayan sa militanteng unyonismo at makauring linya.
Ang website na ito ay ginawa para sa naturang proyekto. Lalamnin nito ang mga modyul at teaching aids sa pagtuturo ng mga kurso ng BMP.
Layon natin na sa darating na mga panahon, lalamnin nito ang mga video ng actual na pagtuturo ng mga kurso. Para sa malawakan at istandardisadong pagtuturo ng mga kurso sa ating kurikulum.
Comments
Post a Comment