Pangkalahatang layunin:
Ipaunawa na ang ugat ng kahirapan ay ang pagsasamantalang nakabatay sa pribadong pag-aari sa mga kagamitan sa produksyon, sa mga kasangkapan at materyales sa ikabubuhay ng tao. Pagsasamantala – hindi kapalaran, kamangmangan, katamaran o populasyon – ang ugat ng kahirapan.
Mga partikular na layunin:
1. Ipakita ang mga datos ng matinding kahirapan sa daigdig at sa bansa, sa kabila ng sobra-sobrang pag-unlad na inabot ng tao.
2. Ilahad ang datos ng konsentrasyon ng yaman sa iilang mga kapitalista, na mas lalong tumitindi sa panahon ng imperyalismo at krisis ng globalisasyon.
3. Ituro na hindi eternal o natural ang kahirapan. Mas mahabang panahon sa kasaysayan ng tao ay walang pagkakahati ang tao sa mayaman o mahirap, walang pagsasamantala ng tao sa tao dahil hindi pa umiiral ang pribadong pag-aari.
4. Ipaliwanag na umusbong ang pribadong pag-aari hindi dahil sa usapin ng moralidad. Ito ay resulta ng nesesidad, ng pagbabago sa kagamitan at kabuhayan ng tao (mula hunter/gatherer ay naging farmer/herder) dahil sa pagkakalikha ng sarplas.
5. Ibahagi na ang unang pribadong pag-aari ay ang mga kababaihan, ang mga alagang hayop at lupa. Sa pag-usbong ng pribadong pag-aari, naisilang ang lipunang may-alipin. Ang unang lipunang may-uri (class society) sa kasaysayan.
6. Sobra-sobra ang kasaganaan na inabot ng tao dahil sa mga instrumento na kanyang ginagamit para baguhin ang mundo at tugunan ang kanyang pangangailangan. Ngunit ang mga instrumentong ito ay pag-aari ng iilan kaya’t ang sobrang progreso ay hindi nalalasap ng sangkatauhan.
Mga Saligang Nilalaman:
Mayor na Punto | Metodo sa pagtuturo | Mga pangangailangan |
1. Epidemya ang kahirapan sa daigdig at sa bansa, sa kabila ng sobra-sobrang pag-unlad na inabot ng tao.
| Lektura. Guide: Sobra-sobra na ang progreso pero sobra-sobra pa rin ang kahirapan. | Slides – Poverty statistics, pandaigdigan at pambansa. |
2. Konsentrado ang yaman sa iilang mga kapitalista, na mas lalong tumitindi sa panahon ng imperyalismo at krisis ng globalisasyon | Lektura. Guide: Sino ang nakikinabang sa progresong inabot ng sangkatauhan? | Slide: Top billionaires and corporations. International/local. |
3. Ang karaniwang paliwanag ng lipunan at ng mga mayayaman sa dahilan ng kahirapan: Kapalaran, katamaran, kamangmangan, populasyon. | Lektura. Dialogue. Ipakita ng isa-isa ang bawat paliwanag. Tanungin ang estudyante. Tama ba ito? Ano ang masasabi niyo rito? Tulungan ang mga estudyante na pasinungalingan ang bawat paliwanag (see LSK).
| Slide: 3K at P (kapalaran, katamaran, kamangmangan, populasyon). |
4. Pagsasamantala ang ugat ng kahirapan. | Lektura. Pagsasamantala na nakaugat sa pribadong pag-aari sa ikabubuhay ng tao. Guide: Bakit ang kapitalista o asendero ang yumayaman imbes na ang manggagawa at magbubukid? | Slide: Pagsasamantala ang ugat ng kahirapan |
5. Hindi eternal o natural ang kahirapan. Mas mahabang panahon sa kasaysayan ng tao ay walang pagkakahati ang tao sa mayaman o mahirap, walang pagsasamantala ng tao sa tao dahil hindi pa umiiral ang pribadong pag-aari. | Lektura. Ipakita ang primitibo komunal na lipunan (Stone Age, mas mahabang yugto kahit pagsamahin ang mga lipunang may-uri – lipunang alipin, lipunang pyudal at lipunang kapitalismo). Isalarawan. | Ang primitibo komunal na lipunan. |
6. Umusbong ang pribadong pag-aari hindi dahil sa usapin ng moralidad. Ito ay resulta ng nesesidad, ng pagbabago sa kagamitan at kabuhayan ng tao (mula hunter/gatherer ay naging farmer/herder) dahil sa pagkakalikha ng sarplas | Lektura. Guide: Ang kabalintunaan, kung kailan dumating ang “sibilisasyon”, saka naman nahati ang tao sa mayaman at mahirap, sa nagsasamantala at pinagsasamantalahan. | Slide. |
7. Ang unang pribadong pag-aari ay ang mga kababaihan, ang mga alagang hayop at lupa. Sa pag-usbong ng pribadong pag-aari, naisilang ang lipunang may-alipin. Ang unang lipunang may-uri (class society) sa kasaysayan. | Lektura. Ang pribadong pag-aari ang naging ugat ng pagsasamantala. Ito rin ang nagluwal ng estado at pamilya (para ipasa ang pag-aari). | Slide. Ipakita ang mga lipunang may-uri. |
8. Ang kasaganaan na inabot ng tao dahil sa mga instrumento. Ngunit ang mga instrumentong ito ay pag-aari ng iilan kaya’t ang sobrang progreso ay hindi nalasap ng sangkatauhan. | Lektura: Dahil sa instrumento, binabago ng tao ang kanyang paligid at naging dominanteng hayop. Gumagala lamang sa gubat dati pero nahati sa mahirap at mayaman (kantyaw ng unggoy, see ARAK). | Slide. |
9. Posibleng wakasan ang kahirapan dahil sa sobra-sobrang kasaganaan bunga ng sosyalisadong produksyon. | Guide question: Posible bang wakasan ang kahirapan? | Slide. |
TRANSISYON (tungo sa susunod na modyul):
Paano nagaganap ang pagsasamantala sa kasalukuyang lipunan, na tinatawag na kapitalismo?
Mga Slides na Gagamitin (Modyul 2)
Mga pinagsanggunian at obligadong mga babasahin ng instruktor:
Ka Popoy Lagman, Aralin sa Kahirapan (ARAK), 1999
Lunas sa kahirapan (LSK), Labor Education Collective, 1991
Comments
Post a Comment