Skip to main content

Posts

Showing posts from August, 2020

GMC Modyul 6 - REBOLUSYON tungong Sosyalismo

Pangkalahatang Layunin : Ilinaw ang pulitikal na rebolusyon – ang pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika –  bilang tanging pamamaraan para panlipunang rebolusyon –  ano ang mga rekisitos nito at paano ito tuloy-tuloy na isusulong ng manggagawang Pilipino mula sa demokratikong yugto tungo sa sosyalistang rebolusyon. Mga partikular na layunin: 1.  Basagin ang masamang konotasyon ng salitang “rebolusyon”. 2.  Makita ang mga panlipunang rebolusyon sa kasaysayan. 3.  Mauunawaan ang papel ng estado ng mga naghaharing uri at ang pagpapabagsak sa mga ito sa paraan ng pulitikal na rebolusyon para maganap ang panlipunang rebolusyon. 4.  Maunawaan ang pangangailangang itatag ang gobyerno ng manggagawa at ang mga katangian nito. 5.  Maintindihan ang dalawang tungkulin sa pagsusulong ng sosyalistang rebolusyon sa bansa – ang pamumuno ng manggagawa sa demokratikong pakikibaka at ang rebolusyon para itatag ang sosyalismo.   Mayor na Punto Metodo sa pagtuturo Mga pangangailangan Ang salitang rebolusyo

GMC Modyul 5 - SOSYALISMO - Abolisyon ng Pagsasamantala

Pangkalahatang Layunin : Ipaunawa ang sosyalistang alternatiba bilang ganap na pagbabagong panlipunan at bilang istorikal na misyon ng uring manggagawa. Mga partikular na layunin: 1.  Ipaunawa ang sosyalismo bilang lipunan ng manggagawa na magwawakas sa pribadong pag-aari, na batayan ng pagsasamantala ng tao sa tao at kahirapan. 2.  Ipakita ang pangkalahatang mga katangian ng sosyalistang alternatiba, na hindi modelo ng itatayong lipunan kundi gabay sa lubusang transpormasyon ng lipunan matapos ibagsak ang kapitalistang estado, batay sa kritik sa umiiral na sistemang panlipunan. 3.  Ituro na ang pagtatayo ng lipunang walang pribadong pag-aari at walang uri ay istorikal na misyon ng manggagawa. Ang paglaya ng sangkatauhan mula sa pagsasamantala ng tao sa tao at sa kapitalismo ay nakasalalay sa pagkamulat at pagkakaorganisa ng pandaigdigang kilusan ng uring manggagawa. 4.  Ipatanggap na ang pagtatayo ng gobyerno ng manggagawa bilang rekisito para ibagsak ang kapitalismo at simulan ang so

GMC Modyul 4 - IMPERYALISMO - Pandaigdigang Kapitalistang Pagsasamantala

Pangkalahatang Layunin : Ilinaw na ang kapitalismo ay nasa mataas na yugto nito – ang imperyalismo. Sumasaklaw na ito sa buong mundo at angdudulot ng kaapihan at kahirapan, hindi lamang ng manggagawa ng daigdig kundi ng sangkatauhan, laluna sa mga bansang may maliit na ekonomya. Mga partikular na layunin: 1.  Ipakita ang dalawang motibong pwersa sa paglago ng kapital na nagdadala rito sa mga yugto ng prosperidad at krisis: ang akumulasyon at kompetisyon. Ang akumulasyon – ang paghahabol ng mas mataas na tantos ng tubo - ay nalulubos sa sirkulasyon ng pera at kalakal. Ang kompetisyon ang gumagatong sa akumulasyon 2.  Ipaliwanag ang kakaibang krisis ng kapitalismo – hindi mula sa kasalatan o kakulangan ng nalikha at kapasidad lumikha – kundi sobrang produksyon. Ibig sabihin, sobrang kapital at sobrang kalakal. 3.  Ipakita ang yugto ng monopolyo kapitalismo – ang imperyalismo, at ilinaw ang limang katangian nito (monopolyo sa produksyon, oligarkiya sa pinansya, pagluluwas ng kapital, dibi