Pangkalahatang Layunin : Ilinaw ang pulitikal na rebolusyon – ang pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika – bilang tanging pamamaraan para panlipunang rebolusyon – ano ang mga rekisitos nito at paano ito tuloy-tuloy na isusulong ng manggagawang Pilipino mula sa demokratikong yugto tungo sa sosyalistang rebolusyon. Mga partikular na layunin: 1. Basagin ang masamang konotasyon ng salitang “rebolusyon”. 2. Makita ang mga panlipunang rebolusyon sa kasaysayan. 3. Mauunawaan ang papel ng estado ng mga naghaharing uri at ang pagpapabagsak sa mga ito sa paraan ng pulitikal na rebolusyon para maganap ang panlipunang rebolusyon. 4. Maunawaan ang pangangailangang itatag ang gobyerno ng manggagawa at ang mga katangian nito. 5. Maintindihan ang dalawang tungkulin sa pagsusulong ng sosyalistang rebolusyon sa bansa – ang pamumuno ng manggagawa sa demokratikong pakikibaka at ang rebolusyon para itatag ang sosyalismo. Mayor na Punto Metodo sa pagtuturo Mga...