Skip to main content

Posts

Ang General Mass Course (GMC)

Ang General Mass Course (GMC) ay ang batayang pag-aaral para sa lahat ng kasapi ng Bukluran. Layon nitong palalamin ang mga prinsipyo't paninindigan ng BMP. Binubuo ito ng limang modyul, at may pasimulang modyul para sa pagtatakda ng layunin ng kurso at sa pangkalahatang mga pananaw ukol sa pag-aaral at sa proseso ng pagkatuto. Modyul 1: Introduksyon sa GMC at sa Pag-aaral Modyul 2: PAGSASAMANTALA: Ugat ng Kahirapan Modyul 3: KAPITALISMO: Pagsasamantala sa Manggagawa Modyul 4: IMPERYALISMO: Pandaigdigang Kapitalistang Pagsasamantala Modyul 5: SOSYALISMO: Abolisyon ng Pagsasamantala Modyul 6: REBOLUSYON tungong SOSYALISMO
Recent posts

LANDAS NG URI (LNU) - 2022 version

 Ang Landas ng Uri o LNU ay basic course ng BMP noong 1996.  Ibinabalik po natin ito bilang panimulang kurso bago mag GMC (General Mass Course), partikular para sa mga sahurang manggagawa at mga kasaping unyon ng ating mga pederasyon, at sa mga unyonista, sa pangkalahatan. Updated na ang mga datos, partikular sa kalagayan ng manggagawa. Mayroon din pagsasakongkreto sa tungkuling paunlarin ang kilusang paggawa bilang taliba o lider ng bayan sa ilalim ng bagong rehimen ni Marcos Junior.  Nasa ibaba po ang "slides" para sa talakayan ng LNU. Batay sa ating karanasan, ito ay maaring ibigay sa maksimum na limang (5) oras, na mas maiksi kumpara sa ating GMC, na nangangailangan ng dalawang araw na sesyon.

GMC Modyul 6 - REBOLUSYON tungong Sosyalismo

Pangkalahatang Layunin : Ilinaw ang pulitikal na rebolusyon – ang pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika –  bilang tanging pamamaraan para panlipunang rebolusyon –  ano ang mga rekisitos nito at paano ito tuloy-tuloy na isusulong ng manggagawang Pilipino mula sa demokratikong yugto tungo sa sosyalistang rebolusyon. Mga partikular na layunin: 1.  Basagin ang masamang konotasyon ng salitang “rebolusyon”. 2.  Makita ang mga panlipunang rebolusyon sa kasaysayan. 3.  Mauunawaan ang papel ng estado ng mga naghaharing uri at ang pagpapabagsak sa mga ito sa paraan ng pulitikal na rebolusyon para maganap ang panlipunang rebolusyon. 4.  Maunawaan ang pangangailangang itatag ang gobyerno ng manggagawa at ang mga katangian nito. 5.  Maintindihan ang dalawang tungkulin sa pagsusulong ng sosyalistang rebolusyon sa bansa – ang pamumuno ng manggagawa sa demokratikong pakikibaka at ang rebolusyon para itatag ang sosyalismo.   Mayor na Punto Metodo sa pagtuturo Mga pangangailangan Ang salitang rebolusyo